Noynoy resign: Mga militante sumugod sa Mendiola para ipanawagan ang pagbaba sa pwesto ni PNoy

15

Different groups marched today in Manila to ask for President Aquino’s resignation. Image courtesy of Kathy Yamzon

 

Libu-libong mga raliyista ang sumugod ngayong araw at nagdaos ng kilos protesta sa Mendiola, Maynila upang ipanawagan ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Benigno Aquino III. 

Pinangunahan ng iba’t ibang militanteng grupo ang ginanap na protesta sa Maynila kabilang na ang Bayan Muna, Anakbayan, Anakpawis, Gabriela, League of Filipino Students (LFS), PISTON, Karapatan, Alliance of Concerned Teachers, National Union of Students of the Philippines (NUSP) at iba pang mga militanteng organisasyon.

Bitbit na isyu ng mga nagprotesta sa Mendiola ang tungkol sa Mamasapano massacre, patuloy na pagtaas ng matrikula at iba pang bilihin pati na ang sinasabing pakikialam ng Estados Unidos sa operasyon sa Mindanao.

Una ng ikinasa ng mga estudyante ang kanilang protesta laban sa patuloy na pagtaas ng matrikula.

Sabayang nag walkout sa klase kaninang umaga ang mga mag-aaral mula sa University of the Philippines (UP) Diliman, Polytechnic University of the Philippines (PUP) at Philippine Normal University (PNU). Sumama din sa pagkilos ang mga mag-aaral ng UP Manila, University of Santo Tomas (UST), University of the East, National University, Miriam College, National University, at De La Salle University. 

16

Protesters in Mendiola, Manila Image courtesy of Renato Reyes

 

Panawagan din ng mga mag-aaral ang pagbaba sa pwesto ni PNoy dahil sa hindi matigil na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pamantasan at kolehiyo sa bansa.

Binira din ng mga militante ang napakataas na halaga ng pag-aaral sa bansa at kakulangan ng badyet sa edukasyon ng gobyerno partikular na pagdating sa mga state universities and colleges.

Mula sa iba’t ibang mga unibersidad ay nagkita kita sa harapan ng UST ang mga raliyista bago sama-samang nagmartsa patungong Mendiola. 

17

Image courtesy of Kathy Yamzon

 

Sinabi ni LFS National Spokesperson Charisse Bañez na ang mga polisiya ng rehimeng Aquino ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng gastusin sa edukasyon dito sa bansa. 

“Aquino’s policy of deregulation propelled the annual increases in tuition and other school fees in both public and private schools. The blatant state abandonment on the youth’s right to education tells nothing but a lack of commitment to social justice from the Aquino government,” pahayag pa ni Bañez.

Bukod naman sa usapin ng tuition fee increase ay pinagbibitiw na rin ng mga raliyista ang Pangulo dahil sa anila’ y pagkakasangkot nito sa Mamasapano incident.

Ayon kay Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo, ayaw na ng mga mamamayan sa isang pangulong korap, sinungaling at puppet ng Estados Unidos.

“The youth and people want truth, justice, accountability and change. The movement for Aquino’s resignation is growing and the peoples’ call is getting louder. We no longer want a government ruled by a corrupt, liar, US puppet, haciendero brat,” ayon pa kay Crisostomo. 

Binanatan din ng mga raliyista ang umano’ y scripted na palabas ng gobyernong Aquino para iligtas sa pananagutan si PNoy sa usapin ng Mamasapano encounter.

18

Image courtesy of Renato Reyes

 

“Akala nila tanga ang publiko. Desperate to cover-up Aquino’s and the US’ role, they made another script and manufactured text messages, to make it appear that the president was fed wrong information. But the more lies and cover-ups they come up with, the deeper the hole they dig,” dagdag pa ni Crisostomo.

Bago ang malaking pagkilos na ikinasa ngayong araw ay iba’ t ibang grupo na rin ang nananawagan para pababain sa pwesto ang Pangulo.

Sa mismong araw ng pagdiriwang ng Edsa People Power anniversary noong nakaraang Miyerkules (Pebrero 25) ay libong raliyista ang pilit na nagprotesta sa Edsa at nagsagawa ng human chain.

Bukod sa mga militanteng grupo ay ikinasa na rin ng National Transition Council na binubuo ng mga pari, obispo at ilang dating matataas na opisyal ng gobyerno tulad nina dating Sen. Kit Tatad, dating security adviser Norberto Gonzales at dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona. 

19

Image courtesy of Kathy Yamzon

 

Nananawagan na rin ng pagbibitiw sa pwesto ni PNoy ang kanyang tiyuhin na sina Peping Cojuangco at asawa nitong si Tingting Cojuangco pati na ang kapatid ng kanyang ama na si dating Sen. Butch Aquino.

Sinabi naman ng mga nagpoprotesta na hindi sila titigil sa mga ikinakasang pagkilos hangga’t hindi tuluyang napapababa sa pwesto ang Pangulo.-DCR

 

 

 

 

Advertisements