Coloma maugong na sunod na itatalaga sa Civil Service Commission

Coloma

PCOO Sec. Herminio ‘Sonny’ Coloma Image from PCOO

Patuloy ang pagkalat ng balitang si Presidential Communication Operations Office (PCOO) Sec. Sonny Coloma ang susunod na mamumuno sa Civil Service Commission (CSC). Sa kabila nito ay hindi naman itinatanggi o kinukumpirma ng kalihim ang balita.

Sa ngayon ay nananatili pa ring isa sa mga tagapagsalita ni Pangulong Benigno Aquino III si Coloma.

“It’s for the President to decide on such matter and it will be premature to make any preemptive statement,” pahayag nito ng tanungin ng midya tungkol sa katotohanan ng kumakalat na impormasyon.

Ayon pa kay Coloma, hindi magandang tignan na sa kanya pa magmumula ang impormasyon hinggil sa naturang usapin. 

“It may not be appropriate for me to comment because it would be self-serving. I will continue to focus on my work with you,” pahayag pa ng kalihim.

Sakaling matuloy sa CSC ay manunungkulan si Coloma sa loob ng pitong taon o hanggang 2022.

Bukod naman kay Coloma ay lumabas na rin ang ulat na posible ring italaga ng Pangulo sa Commission on Audit (COA) si Deputy Executive Secretary Michael Aguinaldo habang matunog din na ilalagay sa pwesto si dating Cadiz City Mayor Rowena Guanzon sa Commission on Elections (COMELEC).

Bago pa ang nasabing mga report ay napirmahan na ni PNoy ang nominasyon ni Usec. Janette Garin bilang sunod na kalihim ng Department of Health.-DCR Sa

Advertisements