Eroplano ng Cebu Pac bumalik sa Maynila: Aktres na si Melissa Mendez pinababa matapos magwala at manakit sa loob ng eroplano

1

Actress Melissa Mendez (left) was escorted by NAIA security personnel from Cebu Pacific flight bound to Mindanao after allegedly punching flight attendant and co-passenger Screenshot from Andrew Wolff Instagram video

Napilitan ang isang fllight ng Cebu Pacific patungong Mindanao na bumalik at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport matapos mag-eskandalo at manakit ng flight attendant at kapwa nito pasahero ang aktres na si Melissa Mendez.

Sa post ng Filipino British modelo na si Andrew Wolff ikinwento nito ang pangyayari kung saan hindi nito pinangalanan ang aktres na umano’y dahilan ng pagbalik ng kanilang flight sa Maynila subalit binigyan lamang niya ito ng initial na M. M.

Nagsimula umano ang pag-eeskandalo ng aktres ng umupo umano ito sa reserbadong upuan na para kina Wolff at sa kaibigan nito.

Sa post ni Wolff sa kanyang Instagram account sinabi nito na matapos ang may 30 minuto pakiusapan ay lumipat din ng upuan ang aktres.

Subalit hindi pa rin umano natapos ang pagsasalita nito laban sa kanyang kaibigan hanggang sa mabigyan na ito ng two warning cards ng flight attendant. 

Matapos umano ang pambubulyaw ay dito na umano sinapok ni Mendez ang kasama ni Wolff at ang isang hindi nakilalang flight attendant ng Cebu Pacific kung kaya nagdesisyon na ang piloto ng eroplano na bumalik sa Maynila at pababain sa eroplano si Mendez.

Sa isang video post sa Instagram ni Wolff ay mapapanood na kinakausap si Mendez ng piloto ng eroplano habang naroon din ang dalawang security personnel ng paliparan.

Bago ang tuluyang pagwawala ng aktres ay tila naamoy pa umano ni Woolf na amoy alak ito,

“I’ve seen some crazy things in my life. I regularly travel on planes for work, but this has got to be probably one of the most ridiculous things that I have experienced. A certain Filipina actress, past her prime may I add, decided to use our reserved seats on the plane. After being asked to move by flight attendants, the captain and even ground security she agreed to go to her seat (after 30mins of cursing). Kept claiming she was some sikat na star dati with initials M.M. She smelled like a beer brewery, you just knew something was gonna happen…. Anyway, half way to our destination to talk to our programmer in Mindanao, this “actress” decided to curse continually at my friend. She was given 2 warning cards by flight attendants, but didn’t stop. She punched my friend and the flight attendants and had to be restrained. The captain announced: “Ladies and Gentlemen, I apologise, but we have to go back to Manila due to one unruly passenger,” buong salaysay ni Wolff.

Dahil sa pangyayari ay maaaring maharap sa patung-patong na kaso at multa si Mendez.-DCR

Advertisements