Malacañang itinangging nag-collapse si PNoy

PNoy

President Benigno Aquino III during the Prayer Gathering in Malacañang last March 09. Image courtesy of Gil Nartea/Malacañang Photo Bureau

Itinanggi ng Malacañang ang kumalat na balita na di umano’y nag-collapse si Pangulong Benigno Aquino III.

Sa text message na ipinadala ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa mga miyembro ng midya ay sinabi nito na walang katotohanan ang nasabing pangyayari.

Ayon kay Lacierda, mismong si PNoy ang sumagot sa kanya via text at itinanggi nito na mayroong ganoong kaganapan.

“I have communicated with the President regarding the rumors circulating that he collapsed and he immediately responded to my text that there is “No such thing.” I hope this settles the issue tonight and we ask media to disseminate the information accurately,” pahayag pa ng kalihim. 

Nagsimula ang pagkalat ng balita hinggil sa pag-collapse umano ng Pangulo Biyernes ng gabi na agad namang pinabulaanan ng Palasyo.

Una ng napabalita dati ang pagkakaroon ng problema sa kalusugan ni Aquino dahil sa umano’y paninigarilyo nito. 

Noong 2012 ay napabalita na rin ang pagkakasakit ng Pangulo ng influenza at allergic rhinitis dahil sa matinding pagod nito kung kaya pinayuhan ito ng mga doktor noon na magpahinga.-DCR

Advertisements