FULL REPORT: MILF report tungkol sa Mamasapano encounter

Isinumite na sa Senado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kopya ng report na resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon tungkol sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Binubuo ang mismong report ng 35 pahina habang limang katao naman ang bumuo sa lupon na nag-imbestiga para sa panig ng MILF.

Kabilang sa mga miyembro ng MILF investigating panel ay sina Ustadz Said Abdulsalam bilang chairman. Miyembro nito sina Hussein Muñoz, Toks Ebrahim, Von Al Haq at Ustadz Abu Ubaidah Agkong.

Una ng isinumite ng MILF sa Malaysia ang kopya ng nasabing ulat dahil ang naturang bansa ay kabilang sa international observer sa pag-uusap para sa kapayapaan kasama ng gobyerno ng Pilipinas.

Base sa nilalaman ng report, sinisisi ng MILF ang PNP-Special Action Force (SAF) sa naganap na engkwentro dahil sa kawalan ng koordinasyon sa kanila.

Sa ulat ng MILF, lumalabas na nagulat ang kanilang pwersa dahil sa pagpasok ng SAF ng walang paalam sa kanilang teritoryo.

Tinukoy din sa report na ang mga miyembro ng SAF ang unang nagpaputok noong Enero 25.-DCR

MILF Mamasapano Report March 2015

CLICK HERE to download MILF report on Mamasapano encounter

Advertisements