Binay nais maging running mate si Roxas sa 2016

Binay Roxas

DILG Sec. Mar Roxas and Vice President Jejomar Binay

Ikinokonsidera ni Vice President Jejomar Binay si Interior and Local Government Sec. Mar Roxas bilang running mate sa darating na 2014 election.

Ang pahayag ay ginawa mismo ni Binay ng dumalaw ito sa Zamboanga City noong nakaraang linggo.

Nagtungo si Binay doon at binisita ang housing projects ng gobyerno sa Brgy. Taluksangay at Catalina para sa mga residenteng naapektuhan ng Zamboanga siege noong 2013.

Nang tanungin ng midya kung sino ang posibleng maging running mate niya sa 2016 dito na ipinahayag ng bise presidente ang kanyang nais.

“Don’t laugh, I’m serious. Gusto ko sana si  Mar Roxas,” pahayag ni Binay.

Matatandaan na naging mahigpit na magkalaban sina Roxas at Binay noong 2010 election sa pagka bise presidente.

Sa pinakahuling survey naman ng Pulse Asia noong March 1-17 ay nangunguna pa rin si Binay sa mga napipisil bilang susunod na pangulo ng bansa samantalang pang pito naman si Roxas naman naturang survey. 

Sa pagka bise presidente ay nanguna sa survey ng Pulse Asia si Sen. Grace Poe subalit hanggang sa ngayon ay nananatili ang pahayag ng senadora na wala pa sa isip nito ang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016.-DCR

Advertisements