Apo nina Ampatuan at Misuari kabilang sa PNPA class 2015

PNPA

Photo courtesy of PNPA

Kabilang ang mga miyembro mula sa dalawang kontrobersyal na angkan sa mga magtatapos ngayong araw sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite.

Kasamang magtatapos sa 247 miyembro ng PNPA class 2015 sina Cadet 1st Class Andal Ampatuan III at Cadet 1st Class Mohammadizar Caluang Misuari.

Si Andal III ay apo ni former Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at pamangkin ni Andal “Unsay” Ampatuan Jr. na kapwa nasasangkot sa Maguindanao massacre kung saan 57 katao ang napatay kabilang na ang mahigit sa 30 mga mamamahayag noong 2009.

Si Mohammadizar naman ay apo ni Moro National Liberation Front founder Nur Misuari na hanggang sa ngayon ay hinahanap ng batas dahil sa Zamboanga siege noong 2013.

Pinili ng dalawa na umanib sa pulisya matapos ang graduation.

pnpa 2015

Image courtesy of PNPA

Sa 247 miyembro ng PNPA LAKANDULA class o “Lahing kayumanggi na handang ialay sa bayan ang dugo at lakas” 226 sa mga ito ay piniling maglingkod sa PNP, 10 ang maglilingkod sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at 11 ang sasama sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang pagtatapos ay dadaluhan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pinangunahan ni Police Cadet Dennis M. Yuson Jr. ang Lakandula class. Siya ang nakatakdang tumanggap sa Presidential Kampilan Award at plaque of merit dahil sa pangunguna sa klase.

Salutatorian naman si Police Cadet Rod Kevin T. Talplacido at tatanggapn ng Vice President Kampital Award at plaque of merit.

Sinundan ito ni Police Cadet Marlon H. Landong na tatanggap ng SILG Kamilan Award at plaque of merit.

Kabilang naman sa top ten ng klase ay sina Police Cadet Raymund B. Caguioa (4th); Police Cadet Michael Sula Sula Giner (5th); Police Cadet Nathaniel D. Faulve (6th); Police Cadet Kenneth F. Lumbre (7th); Police Cadet Roel R. Bata (8th); Police Cadet Mark Jonathan Z. Avillano (9th); at Police Cadet Julie Anne L. Aguilar (10th).-DCR

 

 

Advertisements