Pacquiao top taxpayer ng Pilipinas

Pacquiao

Saranggani Rep. Manny Pacquiao Image by Chris Farina via Unofficial Manny Pacquiao Facebook

Pinangunahan ni Saranggani Rep. at pambansang kamao Manny Pacquiao ang listahan ng mga indibidwal na may pinakamalaking binayaran na buwis base sa talaang inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Aabot sa P163.8 milyong piso o nasa kabuuang P163,841,863.00 ang binayarang buwis ni Pacquiao sa bansa noong 2013.

Ito ay batay sa tala ng BIR hanggang noong Nobyembre 24, 2014.

Bago lumabas ang listahan ay magugunitang sinampahan ng kaso ng BIR si Pacquiao dahil umano sa hindi tamang pagbabayad ng buwis.

Bukod kay Pacquiao ay kasama rin sa top taxpayer list ng BIR ang negosyanteng si Juanito Alcantara na nagbayad ng P99,612 milyon, pangatlo ang abogadong si Estelito Mendoza na nagbayad ng P73,185,375.00, pang-apat si Reynaldo Chico Jr. na nagbayad ng P67,340,888 milyon at pang lima ang negosyanteng si Andrew Tan na nagbayad ng buwis sa kabuuang halaga na P60,184,022.

Bukod sa nabanggit na mga indibidwal ay kasama din sa may pinakamalalaking buwis na binayaran sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Willie Revillame, Sharon Cuneta at ang kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino.-DCR

Advertisements