Coloma out, Villanueva in bilang bagong tagapagsalita ng Malacañang

Coloma Villanueva 1

TESDA director Joel Villanueva and PCOO Sec. Sonny Coloma Photo courtesy of Gil S. Calinga/PNA

Asahan na ang balasahan sa gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III matapos ang paggunita sa Mahal na Araw. Inaasahan na mauupo bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director Joel Villanueva.

Papalitan ni Villanueva ang kasalukuyang kalihim ng PCOO na si Secretary Sonny Coloma na napapabalita ring ilalagay bilang bago chairman ng Civil Service Commission (CSC).

Hanggang sa kasalukuyan naman ay wala pang kumpirmasyon ang nasabing mga kumakalat na impormasyon.

Sa kabila nito, ayon sa artikulo ng The Philippine Star, sinabi ng kanilang source na nilagdaan na umano ng Pangulo ang appointment papers ng dalawa.

Bukod kina Coloma at Villanueva at inaasahan rin ang pagtatalaga kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Wintons Ginez sa Commission on Elections matapos itong ibunyag ng kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino.-DCR

Advertisements