Ilocos region niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Ilocos

Image from PHIVOLCS 

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang mga bayan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur kanina lamang 12:04 ng tanghali.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng pagyanig ay nasa 22 kilometro hilagang silangan ng Pagudpod, Ilocos Norte.

Tectonic ang origin ng lindol na naramdaman sa iba’t ibang bayan ng Ilocos region.

Naitala ang intesity 4 ng lindol sa Laoag City, Pasuquin, Pagudpud at Burgos sa Ilocos Norte at sa Claveria, Cagayan.

Nasa intensity 3 naman ang naramdamang pagyanig sa mga bayan ng Sarrat, Marcos at Paoay sa Ilocos Norte habang intensity 2 naman ang naitala sa Badoc, Ilocos Norte at mga bayan ng Vigan at Sinait sa Ilocos Sur.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershock ang PHIVOLCS matapos ang pagyanig.-DCR

Advertisements