PNoy ipapanalangin ang mga kritiko ngayong Semana Santa

PNoy1

President Benigno Aquino III during his visit in NAIA before Holy Week. Image courtesy of Malacañang photo bureau

Ipapanalangin umano ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang mga kritiko ngayong Semana Santa.

Ito ang naging tugon ni PNoy matapos tanungin ng media kasabay ng kanyang pag-iikot sa Batangas Port at Ninoy Aquino International Airport para mag-inspeksyon kasabay ng pagdagsa ng mga byahero.

Ayon sa Pangulo, magninilay nilay siya kung bakit patuloy ang matinding galit sa kanya ng kanyang mga kritiko.

Bukod sa pagninilay ay isasama umano ng Pangulo sa kanyang dalangin ang mga patuloy na naninira sa kanya.

“At the end of the day, siguro pagmumuni-munihan ko ‘yung ‘di ba some quarters have this intense hate that they have continously exhibited. Siguro I’ll concentrate on praying for them,” pahayag pa ng Pangulo. 

Sinabi pa ni PNoy na una na siyang pinayuhan ng kanyang spiritual adviser na humanap ng panahon para sa katahimikan at magnilay.-DCR

Advertisements