Bagyong Chedeng bumagal subalit patuloy sa paghina

Chedeng

Track of typhoon Chedeng (Maysak) Image courtesy of PAGASA

Patuloy sa paghina ang bagyong Chedeng (Maysak) habang papalapit ito sa lupa.

Sa pinakahuling abiso mula sa PAGASA kaninang 8:00 ng umaga, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may bugsong aabot sa 185 kilometro bawat oras.

Lumiit na rin ang diametro ng bagyo mula sa dating 500 kilometro ay nasa 450 kilometro na lamang ito ayon sa latest update.

Huling namataan ang bagyo sa layong 745 kilometro sa silangan, hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras.

Inaasahang tatama sa lupa ang bagyo sa Linggo (April 5) ng gabi sa mga lalawigan ng Isabela at Aurora.-DCR

Advertisements