PNoy kinumpirma ang resignation ni Espina

PNoy

President Benigno Aquino III and PNP OIC P/Dir. Leonardo Espina Image courtesy of journal.com.ph

Kinumpirma ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagsusumite ng resignation letter ni PNP OIC P/Dir. Leonardo Espina.

Ginawa ng pangulo pahayag sa Tarlac kasabay ng pagtungo nito doon para inspeksyunin ang ilang ipinagawang silid-aralan ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, totoo na nagsumite na ng kanyang resignation letter si Espina subalit hindi pa niya ito matanggap hangga’t hindi siya nakakapili ng bagong PNP chief.

Sinabi ni PNoy, na hindi na rin kasama sa mga pinagpipilian bilang susunod na hepe ng PNP si Espina dahil nakatakda na rin itong magretiro sa darating na Hulyo.

Una ng inilabas ng Rappler ang istorya tungkol sa pagsusumite ng resignation ni Espina sa Pangulo.

Ayon umano sa source ng Rappler, nagsumite si Espina ng pagbibitiw sa pwesto bago pa ito ma-promote mula sa pagiging  Deputy Chief of Operations patungong Deputy Chief of Administration. 

Una namang itinanggi nina PCOO Sec. Sonny Coloma at PNP Public Information Office Chief Gen. Generoso Cerbo ang pagbibitiw sa pwesto ni Espina.-DCR

Advertisements