Indonesia iniutos na ang pagbitay kay Mary Jane Veloso

Indonesian jugde sentenced to death for Philipino, Mary Jane Fiesta Veloso, during a trial in Yogyakarta.

OFW Mary Jane Veloso escorted by Indonesian law enforcers. Veloso was sentenced by Indonesian court to die by firing squad. Image from Rappler

 

Iniutos na ng Indonesian government ang pagbitay sa OFW na si Mary Jane Veloso at siyam na iba pa dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa ulat ng pahayagang The Jakarta Post, naglabas na ang Attorney General’s Office (AGO)ng sulat na nag-uutos sa mga prosecutor na maghanda para sa pagbitay sa mga nakapila sa death row.

Kinumpirma din ng AGO na ipinag-uutos na isagawa ang pagbitay matapos ang 60th Asian-African Conference Commemoration sa Indonesia ngayong araw Abril 24.

Bukod kay Veloso ay mayroong siyam na iba pa mula sa mga bansang Australia, France, Ghana, the Philippines, Brazil, Nigeria at Indonesia ang nasa death row.

Kaninang madaling araw ay idinala na sa Nusa Kambangan prison island sa Cilacap, Central Java, Indonesia  o mas kilala bilang ‘execution island’ si Veloso.

Nabatid na bandang 1:00 kaninang madaling araw (April 24) ng dumating sa Wirogunan Penitentiary sa Yogyakarta ang mga pulis at sundalo saka kinuha si Veloso saka idinala sa naturang isla.

Ayon pa sa ilang impormasyon, nagpasabi na ang Indonesia sa mga embahadang nakakasakop sa mga nakahanay sa death row na magpadala ng kanilang mga kinatawan na sasaksi sa gagawing pagbitay sa Nusa Kambangan.

Karaniwan ng nagbibigay ang Indonesia ng 72 oras na notice sa mga preso at embahadang nakakasakop sa mga ito bago isagawa ang pagbitay.

Kagabi ay lumipad na patungong Indonesia ang dalawang anak at ang ina ni Veloso para ito ay madalaw.

Bago pa man ang kautusan ng pagbitay ay maluwag ng tinanggap ni Veloso ang anumang mangyayari sa kanya matapos ibasura ng Indonesian Supreme Court at apela nito sa kaso.

Ilanga raw bago lumabas ang utos ng pagbitay ay nakausap pa sa telepono ni Maritess Veloso ang kapatid na si Mary Jane.

“Huwag kayo mag-alala sa akin kasi alam ko may magandang plano ang Diyos sa ating lahat. Hindi ako natatakot na mangyari sa akin ito kasi kung ang Diyos, ito ang kagustuhan niya, tatanggapin ko ng buong puso,” pahayag pa ni Mary Jane sa kapatid.

Si Veloso ay naaresto noong 2010 sa Yogyaharta airport matapos makuha sa kanyang bagahe ang 2.6 kilo ng heroin. Sa kapareho ding taon ay nilitis at nahatulad si Veloso na mabitay sa pamamagitan ng firing squad.-DCR

Advertisements