Huling apela ni PNoy sa Indonesia: Mary Jane Veloso huwag bitayin, gawing testigo

PNoy

Philippine President Benigno Aquino III talks with Indonesian President Joko Widodo Image from: Noynoy Aquino Facebook

Sa pagnanais na maisalba sa bingit ng kamatayan si Mary Jane Veloso ay umapela sa huling pagkakataon si Pangulong Benigno Aquino III sa pamahalaan ng Indonesia na huwag ituloy ang nakatakdang pagbitay ngayong araw.

Ilang oras bago isagawa ang firing squad ay tinawagan ni PNoy si Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi upang sabihin na huwag bitayin si Veloso at sa halip ay gawin itong testigo.

Layon ng panukala ng Presidente na mahuli ang mga nasa likod ng drug trafficking hindi lamang sa Indonesia kundi maging dito sa Pilipinas.

Mula sa Malaysia bago bumalik patungong Maynila y ilang minutong kinausap ng Pangulo si Marsudi.

“So in that aspect when we discovered that wait, since she wasn’t cooperating initially and she’s now very cooperative, we have an opportunity in our case to get the necessary evidence to successfully prosecute the illegal recruiters. So we presented to Indonesia the opportunity also that she’s cooperating, we might be able to also uncover this drug syndicate that was behind her predicament.

“Absent her providing testimony, there’s a chance we will [not] be able to catch up with them at some point in time. But she does present an opportunity right now to be able to uncover all the participants and start the process of bringing them to the bars of justice. But absent her, that becomes a very difficult if not an impossible proposition. So we presented that it seems to serve both of our interests to keep her alive to be able to testify and serve the ends of justice for both our concerns,” pahayag pa ng Pangulo.

Sinabi ni PNoy na sinigurado sa kanya ni Marsudi na ipararating nito kay Indonesian President Joko Widodo ng pinakahuling apela ni PNoy.

“I’m sure they’re interested in maintaining very good relations with us and they will give a fair hearing to this proposal of ours. Whether or not they will subscribe to our idea that it’s important to keep her alive to be able to testify against the bigger fish will be subject to their national interest,” dagdag pa ni PNoy.

Hanggang sa huli ay umaasa ang lahat na pakikinggan ng gobyerno ng Indonesia ang mga apela upang isalba ang buhay ni Veloso mula sa tiyak na kamatayan.

Sa ngayon ay nakabalik na ang Pangulo sa Maynila.

Base sa pahayag ng Indonesia, bandang 5:00 ng hapon (6:00 PM Manila time) maaaring isagawa ang firing squad kay Veloso sa Nusa Kambangan Island.-DCR

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements