Mga hakbang para iligtas si Mary Jane Veloso sarado na- DFA

jose

DFA Spokesman Asec. Charles Jose Image courtesy of filipino.cri.cn

Ginawa na ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ni Pangulong Benigno Aquino ang lahat ng maaari nitong gawin upang isalba ang buhay ng death convict na si Mary Jane Veloso.

Sa huli sinabi ng DFA na ang lahat ng legal at diplomatikong paraan para iligtas ang Pinay ay tila sarado na.

 “We have exhausted all legal remedies to Mary Jane and we did everything that we could but it seems both approaches legal and diplomatic  have been closed.” pahayag ni DFA Spokesman Asec. Charles Jose sa isang press briefing ilang oras bago gawin ang pagbitay.

Sa kabila ng pagbitay sinabi ni Jose na inaasahan nila na hindi ito makakapekto sa relasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Ayon pa kay Jose, iginagalang nila ang soberanya ng Indonesia pagdating sa pagpapatupad nito ng sarili nilang mga batas.

Naniniwala rin umano ang gobyerno na nabigyan si Veloso ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili nito sa panahon na ito ay nililitis.

“We know Mary Jane Veloso was given due process and  her rights were upheld. She was given every chance to defend herself.” pahayag pa ni Jose. 

Ngayong hapon ay nakatakdang magkita ang pamilya Veloso at ang mga opisyal ng embahada na nasa Indonesia upang pag-usapang ang mga hakbang na gagawin matapos isagawa ang pagbitay at kung paano iuuwi sa bansa ang labi ng Pinay human trafficking victim.-DCR

Advertisements