ORAS BILANG NA: Pagbitay kay Mary Jane Veloso itutuloy ngayon ng Indonesia

veloso

Oras na lamang ang binibilang bago ituloy ng Indonesia ang gagawing pagbitay sa OFW na si Mary Jane Veloso ngayong araw Abril 28.

Ito ang malungkot na balitang inilabas ng Attorney General’s Office (AGO) ng nasabing bansa kagabi.“All countries whose citizens will be executed will certainly approach the government, but they cannot influence our sovereignty,”  pahayag pa ni Attorney General M Prasetyo base sa ulat ng Jakarta Post.

Sa isang hiwalay na panayam naman kay Indonesian President Joko Widodo ng state-owned television station TVRI, sinabi nitong kailangang manaig ang batas ng kanilang bansa.

“I won’t repeat this again, this is about the supremacy of law,”  pahayag pa ni Widodo.

Ayon pa sa Pangulo ng Indonesia, 50 kabataang Indonesian ang namamatay dahil sa ilegal na droga kada araw kung kaya kailangan nila ng mahigpit na pagpapatupad sa parusang kamatayan.

Ang pahayag ay ginawa ni Widodo matapos ang muling pag-apela ditto kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III matapos magkita at magkasama ang dalawang lider sa ASEAN Summit sa Malaysia.

Si Veloso ay nahatulan ng kamatayan noong 2010 matapos madakip dahil sa pagkakaroon ng 2.6 kilong heroin sa kanyang bagahe.

Inaasahan na dakong 5:00 ng hapon sa Indonesia (6:00 PM Manila time) isasagawa ng Indonesia ang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad sa isla ng Nusa Kambangan.

Bukod kay Veloso ay aabot sa walong  iba pa ang kasamang bibitayin ng Pinay ngayong araw.-DCR

Advertisements