Cardinal Tagle nahalal bilang unang Asyanong pangulo ng Caritas Internationalis

Tagle

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Image from: veritas846.ph

Nahalal bilang kauna-unahang Asyanong pangulo si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng isa sa pinakamalaking samahan para sa kawanggawa sa buong mundo ang Caritas Internationalis.

Si Tagle ay inihalal ng mahigit 300 delagado mula sa buong mundo na ginanap sa Roma kahapon.

Nakatakdang palitan ni Tagle sa posisyon si Cardinal Oscar Rodríguez Maradiaga. 

Ito na ang ika-anim na posisyong nakuha ni Tagle sa ilalim ng pamumuno ni Pope Francis.

Kasabay ng kanyang pagkakahalal bilang bagong pangulo ng Caritas International ay agad ipinaabot ni Tagle ang kanyang pasasalamat sa mga nagtiwala sa kanya para sa naturang posisyon.

tagle 2

Image courtesy of splendorofthechurch.com.ph

“Thank you for your trust. I’m limited in my capacities but with all of you, with the love that Jesus has poured into our hearts, and in the name of all of the poor people in the world, I accept this election,” pahayag pa nito. 

Binubuo ang Caritas Internationalis ng may 164 na samahan mula sa iba’t ibang bansa na ang pangunahing layunin ay ang makatulong.

Sa panayam ng CBCP News kay Caritas Manila executive director Fr. Edu Gariguez, sinabi nito na pinangunahan ng Caritas Asia ang kampanya para maihalal si Tagle sa nasabing pwesto.

Kabilang si Tagle sa mga malalapit at pinagkakatiwalaang miyembro ng Simbahang Katolika ng Santo Papa.

Bukod sa naturang pwesto ay hawak din ni Tagle ang pagiging chairman ng Caritas Manila. 

Nagsisilbi ding pangulo si Tagle ng Catholic Biblical Federation at miyembro naman ng Pontifical Council for the Laity, Sacred Congregation for Institutes of Consecrated Life and Societies of Consecrated Life at Sacred Congregation for the Evangelization of Peoples at president-delegate ng Synod of Bishops on the Family.-DCR

Advertisements