El Gamma Penumbra mula sa Pilipinas itinanghal na kampeon sa Asia’s Got Talent

el gamma

El Gamma Penumbra wins Asia’s Got Talent first season. Image courtesy of The Filipino Scribe

Itinanghal bilang kauna-unang kampeon ng Asia’s Got Talent ang grupong El Gamma Penumbra (EGP) na pambato mula sa Pilipinas.

Ginanap ang patimpalak sa Singapore kung saan tumanggap ang grupo ng $100,000 premyo bukod pa sa mga pagtatanghal na naghihintay sa kanila sa Marina Bay Sands.

Bukod sa naturang grupo ay wagi din sa kompetisyon ang isa pang pambato ng bansa na si Gerphil Flores na kinuha ang ikatlong pwesto.

Nasa ikalawang pwesto naman ang grupong Khusugtun mula sa Mongolia.

Ang El Gamma Penumbra ay dati ng sumali sa Pilipinas Got Talent kung saan nakuha nito ang ikalawang pwesto.

Nagmula ang grupo sa Tanauan, Batangas.

“To all Filipinos in all parts of the world, laban na ito, para sa inyo ‘to! Maraming, maraming salamat sa pagmamahal niyo sa grupo. Mabuhay ang Pilipinas!” pahayag ni marvin Marfa isa sa mga miyembro ng EGP. 

Nagsilbing mga hurado para sa kompetisyon sina Anggun, David Foster, Melanie C, at Vanness Wu.

Bukod sa EGP at kay Flores ay nakapasok din sa final stage ng kompetisyon ang dalawa pang pambato ng bansa kabilang ang grupong Junior New System at ang 10-anyos na si Gwyneth Dorado.-DCR

Advertisements