Binay nagbitiw na sa gabinete ni PNoy

Binay

Vice President Jejomar Binay and President Benigno Aquino III Image from: politics.com.ph

Nagbitiw na si Vice President Jejomar Binay bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ginawa ni Binay ang pagbibitiw apat na buwan bago ang nakatakda nitong paghahain ng kanyang certificate of candidacy para sa kanyang napipintong pagtakbo bilang pangulo para sa darating na 2016 election.

Dahil dito ay binakante ni Binay ang pwesto bilang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at pagiging Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ (OFW) Concerns.

Sa opisyal na pahayag ni Office of the Vice President Media Affairs head Joey Salgado, sinabi nitong inihain ngayong araw ni Binay ang kanyang ‘irrevocable resignation’  from sa pagiging miyembro ng gabinete ni PNoy.

“Makati Rep. Abigail Binay handcarried the Vice President’s resignation letter addressed to President Aquino. She was accompanied by Undersecretary Benjamin Martinez Jr., chief of staff of the Vice President. Executive Secretary Paquito Ochoa received the letter around 3:55 p.m. at the Office of the Executive Secretary,” pahayag pa ni Salgado.

Ang aksyon na ito ng pangalawang pangulo ay naganap ilang linggo matapos sabihin ni PNoy na tila malabo niyang suportahan ang kandidatura ni Binay sa 2016 dahil magkaiba naman ang partidong kanilang kinabibilangan noong 2010 at 2013 election.

Ang pahayag ay ginawa naman ng Pangulo matapos sabihin ni Binay na hanggang sa huli ay umaasa siya sa suporta nito para sa susunod na halalan.

Bilang miyembro ng Liberal Party ay inaasahan na ieendorso ni PNoy si Interior Secretary Mar Roxas na posibleng makabangga ni Binay na siyang pambato ng United Nationalist Alliance.-DCR

Advertisements