Bagong kaso ng MERS-CoV sa Pilipinas kinumpirma ng DOH

21

Nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome corona virus (MERS-CoV) ang isang banyaga na nakapasok dito sa Pilipinas mula sa Gitnang Silangan.

Ang impormasyon ay kinumpirma sa midya ni Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin ngayong araw.

Ayon sa DOH, nagpapagaling na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang banyaga na idinala doon noong Sabado.

Bukod sa banyagang nagpositibo sa MERS-CoV ay inooserbahan na rin at isinailalim na sa ilang pagsusuri ang walong tao na nakahalubilo nito partikular na ang isang babae na mayroon ng ubo.

Sinabi ng kagawaran na nagpapatuloy ngayon ang paghahanap nila para sa iba pang nakasalamuha ng banyagang biktima upang maisailalim din sa pagsusuri ang mga ito.-DCR

Advertisements