#WALANGPASOK: July 17 idineklarang regular holiday ng Palasyo para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang July 17 araw ng Biyernes bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim kasabay ng kanilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Ang deklarasyon ay ginawa ng Palasyo sa bisa ng Proclamation No. 1070 na pirmado mismo ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang Eid’l Fitr ay pagdiriwang ng mga Muslim na ginaganap sa loob ng tatlong araw matapos ang Ramadan o ang mahabang panahon ng kanilang pag-aayuno.

Sa ilalim ng Republic Act 9177 ay idinideklarang regular holiday ang Eid’l Fitr.

Ang petsa ng deklarasyon para sa bawat taon ay nagmumula sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF). -DCR

Advertisements