Iriberri bagong AFP chief

Iriberri

Lieutenant General Hernando “Dodo” Iriberri is the new chief of Armed Forces of the Philippines (AFP).

Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Philippine Army chief Lieutenant General Hernando Iriberri bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff.

Ang change of command ay itinakda ngayong araw sa general headquarters ng AFP sa Camp Aguinaldo. 

Inaasahan na dadaluhan ni PNoy ang okasyon. 

Papalitan ni Iriberri si General Gregorio Pio Catapang Jr. na nakatakdang sumapit sa kanyang retirement age bukas.

Si Iriberri ay miyembro ng Philippine Military Academy class 1983 at tubong  Surigao del Sur. Nakatakda itong magretiro sa AFP sa April 22, 2016.

Apat na heneral ang nakalaban ng bagong chief of staff para sa posisyon. Pinakamahigpit sa mga ito ay si Air Force chief Lieutenant General Jeffrey Delgado.

Sinasabi na ang rekomendasyon ni Iriberri ay mula mismo kay Defense Secretary Voltaire Gazmin. Si Delgado naman ay naging aide ni dating pangulong Corazon Aquino.

Ilang oras bago ang change of command na itinakda 9:30 ng umaga ngayong Biyernes ay hindi pa agad inilabas ang resulta ng pagkakapili kay Iriberri.

Pangkaraniwan ng iniaanunsyo ang bagong chief of staff isang araw bago ang change of command.

Kabilang sa mga isyung kakaharapin ni Iriberri sa pag-upo nito sa AFP ay ang sigalot sa pagitan ng China at Pilipinas sa usapin nang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea at ang inaayos na usapang pangkapayapaan sa Mindanao sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.-DCR

Advertisements