Marquez bagong PNP chief

pdirmarquez

Photo courtesy of PNP

May bago ng hepe ang Philippine National Police. 

Itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si PNP Director for Operations P/Dir. Ricardo C. Marquez bilang susunod na chief PNP.

Gaganapin ang pormal na pagtatalaga kay Marquez sa pinakamataas na posisyon ng PNP sa Huwebes kasabay ng retirement ceremony para kay PNP OIC P/Dir. Leonardo Espina.

Ang pagkakatalaga kay Marquez ay pormal na inihayag ni Interior Sec. Mar Roxas.

Isa sa pinakahuling accomplishment ni Marquez ay ang pamamahala ni sa seguridad na ibinigay sa buong panahon ng pamamalagi ni Pope Francis sa bansa noong Enero.

Si Marquez ay miyembro ng Philippine Military Academy class of 1982.

Nakatakdang magretiro si Marquez sa PNP sa Agosto 26, 2016.

Nangangahulugan ito na isa sa pinakamabigat na tungkulin ng bagong hepe ng PNP ay ang pagsisigurado ng maayos at payapang halalan sa susunod na taon at ang pagpapalit ng mga bagong lider ng bansa.

Bukod sa paparating na halalan ay nakaatang din sa balikat ni Marquez ang seguridad ng mga matataas na pinuno ng bawat bansa na dadalo sa gaganaping Asia Pacific Economic Conference sa bansa ngayong taon.

Kabilang sa mga pwestong hinawakan ni Marquez ay ang pagiging regional director ng Ilocos Region noong 2013, executive officer of the Directorate ng Investigation and Detective Management noong 2011 at dati rin siyang naging  provincial director ng Nueva Ecija noong 2008.-DCR

Magre

Advertisements