TUWID NA DAAN ITUTULOY: Roxas inendorso na ni PNoy bilang susunod na Pangulo

roxas

President Benigno Aquino III and the presidential candidate of Liberal Part for 2016 Interior Sec. Mar Roxas

Ipinroklama na ni Pangulong Benigno Aquino III si Interior Sec. Mar Roxas bilang pambato ng Liberal Party para sa darating na 2016 election.

Ginawa ni Aquino ang pag-endorso sa kalihim sa pamamagitan ng isang programa sa makasaysayang Cory Aquino Kalayaan Hall sa Club Filipino, San Juan City.

Dahil sa pangyayari tuluyan ng natuldukan ang mga espukulasyon sa kung sino ang babasbasan ng Pangulo para maging kandidato ng kanyang partido sa darating na halalan.

Kabilang sa mga nagpakita ng suporta kay Roxas kasabay ng pag-endorso dito ni PNoy ay ang iba’t ibang miyembro ng gabinete at opisyal ng gobyerno mula lokal hanggang nasyunal.

Bukod sa mgha kaibigan at kasama at pulitika at nagpakita rin ng suporta kay Roxas ang mga kapamilya nito sa pangunguna ng kanyang asawa na si Korina Sanchez at ina na si Judy Araneta.

Sa kabila nito, nananatiling walang running mate si Roxas para sa kanyang pagtakbo.

Ayon sa tagapagsalita ng Liberal Party na si Rep. Ben Evardone, mas makakabuti kung si Roxas na mismo ang pipili sa kung sino ang nais nitong maging katambal bilang bise presidente.

Kabilang sa mga pangalang lumulutang ay sina Sen. Grace Poe, Rep. Leni Robredo at Batangas Gov. Vilma Santos.-DCR

Advertisements