LAYA NA: Enrile pinayagang makapagpiyansa ng Korte Suprema

Enrile

Senator Juan Ponce Enrile Image courtesy of Senate

Pinaboran ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng kampo ni Sen. Juan Ponce Enrile na makapaglagak ito ng piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan kaugnay ng kasong kinakaharap dahil sa pork barrel scam.

Sa botong 8-4 ay nakuha ni Enrile ang pagpabor ng mayorya ng mfa mahistrada ng Supreme Court.

Aabot sa P1M piyansa ang kailangan ilagak ni Enrile sa Sandiganbayan para pansamantala itong makalabas sa pagkakapiit.

Sa kasalukuyan ay nananatili ang 91-anyos na senador sa ilalim ng hospital arrest sa Camp Crame.

Sa kanyang petisyon ay sinabi ng kampo ng senador na hindi naman ito flight risk dahil wala itong balak tumakas bukod pa sa kalagayan nito.

Bukod dito ay sinabi rin ni Enrile na wala namang naipi-presentang matibay na ebidensya laban sa kanya hanggang sa ngayon kaugnay ng kasong plunder at graft na isinampa sa kanya.

Hiniling din niya sa SC na ikonsidera nito ang kanyang kalagayan at ang boluntaryong pagsuko na kanyang ginawa.

Kabilang naman sa mga tumutol na makapagpiyansa ang senador ay sina  Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Justice Antonio Carpio, Justice Estela Perlas-Bernabe at Justice Marvic Leonen.-DCR

Advertisements