APO NI AGUINALDO NAGSALITA| Heneral Luna hindi pataksil na pinatay – DOTC Sec. Abaya

Abaya and Luna

DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya (left) and Gen. Antonio Luna (right Image of Abaya from Philippine Star


Hindi pataksil na pinatay si Hen. Antonio Luna taliwas  sa mga nakasulat sa mga librong pangkasaysayan at maging sa isinasaad sa pelikulang “Heneral Luna”. 

“I don’t think he was assassinated.”  Ito ang naging tugon ng Transportation and Communication Sec. Emilio “Jun”  Abaya matapos hingan ng pahayag ng midya tungkol sa naturang pelikula na umaani ngayon ng papuri sa publiko.

Si Abaya ay apo sa tuhod ni dating pangulong Emilio Aguinaldo na iniuugnay sa pagkakapatay sa pamosong heneral.

Pagtatangol pa ng kalihim, iba ang nabasa niya sa ilang aklat na taliwas sa mga naglalabasang impormasyon ngayon patungkol sa pagkakapatay kay Luna.

“I’ve read enough books, there are other versions. I don’t think he was assassinated,” pahayag pa ni Abaya. 

Dati ng sinabi ni Abaya na lagi silang nakahanda sa lahat ng kritisismo na nakakabit sa kanilang pagiging miyembro ng pamilya Aguinaldo. 

“Lahat kami sinasagot ‘yun. He is my great grandfather. ‘Yung pagiging ‘Emilio Aguinaldo,’ bahagi na ng pagkatao ko at kailangan ko pangalagaan ang pangalan na ‘yun,” pahayag pa ng kalihim ng minsang tanungin ng midya. 

Base sa mga tala ng mga historyador, napatay si Luna noong June 5, 1899 sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Pinatay umano si Luna ng mga sundalong mula sa Kawit, Cavite na pawang tauhan ni Aguinaldo. 

Sa naturang pangyayari ay nagtamo ang heneral ng napakaraming taga at tama ng bala. 

Ginawa naman ni Abaya ang pahayag nito sa gitna ng popularidad ng pelikulang “Heneral Luna”  na idinirehe ni Jerrold Tarog at pinagbibidahah ng aktor na si John Arcilla. 

Sa ngayon ay nasa ikatlong linggo na sa mga sinehan sa buong bansa ang pelikula. 

Dahil sa inaaning papuri ng palabas mula sa mga kilalang manunuri ng pelikula at mga nakapanood na nito ay napili ito bilang panlaban ng bansa sa gaganaping 2016 Oscars Award para sa Best Foreign Language Film category.-DCR

Advertisements