Presidential bid declaration sa Pangasinan hindi totoo – Bongbong Marcos

BBM

Sen. Bongbong Marcos gives relief goods during his birthday in Dingras, Ilocos Sur Photo from: Sen. Bongbong Marcos Facebook Page

Pinasinungalingan ni Sen. Bongbong Marcos ang mga naglabasang ulat na nakatakda na umano nitong ipahayag ang kanyang pagtakbo para sa mas mataas na posisyon sa Pangasinan.

Ayon sa statement na inilabas ng kampo ni Marcos, walang katotohanan ang nasabing mga impormasyon.

“There is no truth to reports I would announce my candidacy in Pangasinan this weekend. I have been hearing so many dates of my supposed declaration of my plans for 2016,” pahayag ni Marcos.

Sinabihan rin ni Marcos ang publiko partikular ang kanyang mga tagasuporta na huwag paniwalaan ang katulad na mga impormasyon maliban na lamang kung ito ay manggagaling mismo sa kanya.

“Unless you hear it directly from me, do not believe. As I said before, I believe these false advisories being spread by an unscrupulous group are intentional and meant to put my name in a bad light.” pahayag pa ng senador.

Sinabi pa ni Marcos na kapag siya ay nakabuo na ng desisyon ay malalaman ito  mismo mula sa kanya.

Una ng kumalat ang balita na magdedeklara si Marcos sa bayan ng Mangaldan sa Pangasinan.

Sa ulat na inilabas ng Philippine Star, sinabi nitong kinumpirma kapwa nina Vicente Millora at Jose Malvar Villegas, tagapangulo at presidente ng Pagkakaisa ng mga Pilipino Para sa Pilipinas (PPP) ang gagawing deklarasyon ng senador para sa kanyang pagtakbo sa 2016 election.

Ayon sa balitang lumabas, nakatakda umano ang pagdedeklara ng senador ng kanyang kandidatura sa Linggo Setyembre 27.-DCR

Advertisements