Dating AFP Chief Esperon suportado si Duterte para tumakbong presidente

duterte

Former AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon expressed his support for Davao City Mayor Rodrigo Duterte Photo courtesy of Davao Today

Nagpahayag na rin ng suporta ang isa sa mga dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff para sa isinusulong na pagkumbinsi kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa halalan 2016.

Sinabi ni dating AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. na isa siya sa mga nagnanais na tumakbo ang alkalde. 

“Ako isa lang ako sa mga taong gustong kumumbinsi sa kanya (Duterte),”  pahayag ni Esperon.

Sa kabila ng pagsuporta tumanggi naman si Esperon na ikumpara si Duterte at ang mga nagawa nito laban sa iba pang nagpahayag na ng pagnanais na tumakbo bilang pangulo ng bansa sa 2016. 

Matibay ang paniniwala ng dating AFP chief na kaya ni Duterte ang mga gawain sakaling tumakbo ito sa mas mataas na posisyon.

“He is a super achiever as far as I am concerned. Yung pagtrabaho niya alam niya kung ano ang dapat niyang gawin at gusto niyang makamit. Ayokong pumuna sa iba, ayokong mag-compare, basta ang sinasabi ko lang magaling si Duterte,”  pahayag pa ng retiradong heneral. 

Duterte 1

“Call for the Filipino People’s President” rally in Luneta Grandstand aimed to convince Davao City Mayor Rodrigo Duterte to run for presidency. Image from Facebook

Sa ginanap na “Call for the Filipino People’s President” rally sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Sabado September 26 ay binasa rin ni Esperon ang mensahe ng alkalde para sa libu-libong tagasuporta ng alkalde na dumalo sa pagtitipon.

Humingi ng paumnahin si Duterte dahil hindi siya nakadalo sa ginawang rally ng kanyang mga tagasuporta dahil sa kanyang kaabalahan na agad maresolba ang kidnapping case sa Davao Region.

Sa kanyang mensahe ay nagpasalamat agad si Duterte sa kanyang mga tagasuporta at sinabing magdedesisyon siya bago ang pormal na paghahain ng certificate of candidacy sa susunod na buwan. 

Salamat sa lahat ng mga taong nagbigay ng suporta. Tiniis daw ninyo ang init at ulan. At ako ay humihingi ng paumanhin. Nandito ako sa Zamboanga City dahil tumutulong ako sa paghanap ng solusyon sa kidnapping na nangyari sa Samal Island noong Lunes. Maraming maraming salamat po.

I hear your clamor loud and clear. I know you want an alternative to those who now present themselves with their ambition to lead the country. I have repeatedly said that I do not have ambitions to be your president. Leaders answer not their self-interest or their personal glory. Leaders respond to duty and moral obligation.

Sa lahat sa kababayan natin, humihingi ako ng konting panahon.At pagkatapos, sa konting panahon na lang po, haharap ako sa bansa at sa inyong lahat. At magdedesisyon ako ng buong kalooban at mula sa puso. Pangako ko sa inyo hinding-hindi ko kayo pababayaan.” -DCR

Advertisements