Malaswang pagsayaw matapos ang LP oath taking walang malisya- Cong. Agarao

Walang malisya. 

Ito ang sinabi ni Laguna Rep. Benjamin Agarao matapos kumalat ang mga video at larawan ng mga sexy dancer na sumayaw ng malaswa kasama ang ilang miyembro ng Liberal Party (LP) matapos ang oath taking ng partido sa Laguna ngayong araw.

Sa kumalat na video ay makikita ang mga miyembro ng grupong playgirls na sumasayaw habang nakasuot ng maiiksing uri ng damit. 

Nakita rin sa kumalat na video ang pagsayaw ng isang miyembro ng Playgirls kadikit mismo ang isang LP member.

Naganap ang insidente matapos ang panunumpa ng higit kumulang 80 LGU official. Isinabay na rin sa okasyon ang pagdiriwang ng birthday ni Agarao ngayon.

“Wala naman kasing malisiya. Unang una, sa harapan ng maraming tao, nagsayaw sila. Kami dito, iba ang kultura namin. Kung may malisya dun, edi pati ako damay.”

“Depende yan sa appreciation. Katulad ko, lalaking lalaki ako, hindi ako masasagwaan. Diyan nga sa Maynila, mayroon pa ngang sumasayaw sa hawla. Sa probinsya, luluwa pa nga ang mata, walang malisya,” pahayag pa ni Agarao. 

Itinanggi din ng kongresista na “surprise gift” sa kanya ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang performance ng grupong Playgirls sa naturang okasyon.

Ilang ulit kasing sinabi ng emcee ng programa na ang naturang mga babae ay surprise gift ni Tolentino para sa mga dumalo sa okasyon.

Bukod kay Tolentino ay dumalo din doon si LP standard bearer Mar Roxas. Sa kabila nito nakaalis na si Roxas ng maganap ang performance ng Playgirls.

“Mayroon lang nagbulong para mabanggit ang pangalan ni Chairman Tolentino. Alam mo naman sa pulitika. Kung mangyari man, humihingi ako ng pasiyensiya na masagwa,” pahayag pa ni Agarao.  

Maging si Tolentino ay itinanggi na rin na mula sa kanya nagmula ang mga babaeng nagsayaw ng malaswa sa okasyon.

Patuloy namang umaani ngayon ng batikos ang ginanap na pagtitipon ng LP sa Laguna dahil sa pangyayari.-DCR

Iti

Advertisements