Sexy dancer sa oath taking ng Liberal Party nag “thank you” kay Chairman Tolentino

LP21

Screenshot from GMA reporter Steve Dailisan video

Itinatanggi ni MMDA Chairman Tolentino na siya ang nagbigay ng “surprise gift” na mga sexy dancers matapos ang oath taking ng Liberal Party sa Laguna sa kabila nito nagpasalamat pa rin kanya ang isa sa mga miyembro ng sexy dance group na Playgirl.

Ang grupong Playgirl ang sinasabing nagtanghal matapos ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng LP sa nasabing lalawigan.

Sa kabila nito, kontrobersyal ngayon ang naturang aktibidad matapos kumalat sa social media ang mga video at larawan na nagpapakita ng kalaswaan ng pananamit at pagsayaw ng mga grupo ng Playgirl kasama ang mga miyembro ng LP.

Bukod sa oath taking at ipinagdiwang din sa okasyon ang birthday ngayong araw ni Rep. Benjamin Agarao.

“Thank you kay Chairman Tolentino at happy birthday kay Congressman Agarao,” pahayag pa ng isa sa mga miyembro ng Playgirl matapos kapanayamin ng GMA News.

Itinanggi na ni Tolentino ang paratang na sa kanya nagmula ang mga sumayaw sa okasyon. 

Aniya, naligaw siya ng dating sa oath taking at halos kasabay niyang dumating ang mga dancer kung kaya malamang na napagkamalang kasama niya ang mga ito.

“Naligaw pa nga ako sa lugar. Ang problema pagdating ko parang kasunod ko yung mga singers and dancers kaya akala kasama ko. Nalito yung emcee,” pahayag pa ni Tolentino.

Bukod kay Tolentino ay dumalo din sa okasyon si LP standard bearer Mar Roxas subalit nakaalis na umano ito ng maganap ang kontrobersyal na sayawan.

Ipinagtanggol naman ng Malacañang si Tolentino na siya ngayong nadadamay sa isyu. 
“Chairman Tolentino was only one of many guests. He had no say at all on what others who went there would do,” pahayag pa ni PCOO Sec. Sonny Coloma.

Tinawag naman na in bad taste ni House Speaker Sonny Belmonte ang pangyayari at sinabing kakausapin niya si Agarao tungkol dito.-DCR

Advertisements