Elizabeth Ramsey pumanaw na sa edad na 83

Ramsey

Image courtesy of GMA News Facebook

Pumanaw na ang singer actress na si Elizabeth Ramsey.

Tinaguriang “Queen of Rock and Roll”, si Ramsey ay ipinanganak noong Disyembre 3, 1931 sa  San Carlos City, Negros Occidental.

Pumanaw si Ramsey sa edad na 83. 

Natulog lamang umano ito at hindi na nagising.

Ang pagpanaw ng aktres ay kinumpirma mismo ng anak nitong si Jaya.

Noong nakaraang Agosto lamang ay napabalitang na-stroke si Ramsey at na-confine sa ospital. 

Nakilala si Ramsey bukod sa pagkanta nito dahil sa kanyang galing sa komedya.-DCR

Advertisements