HM bus hinostage sa Maynila, hostage taker patay

HM Bus

HM Transport bus held hostage in Taft Avenue corner Pedro Gil in Manila (insert photo) An unidentified hostage taker killed on the spot by the operatives from MPD Photo from ABSCBN News and Zhander Cayabyab Twitter

Dead on the spot ang isang salarin matapos itong mang hostage ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Taft Avenue kanto ng Pedro Gil sa Maynila.

Batay sa impormasyong nakuha ng The Manila Journo, sugatan sa insidente ang hostage victim na nabatid na isang estudyante.

Itinakbo na ngayon sa Philippine General Hospital ang hindi pa nakilalang biktima.

Ayon sa paunang impormasyon hinostage ng hindi pa nakilalang salarin ang HM Transport bus na may plakang TYV 303 at body number 7507 sa naturang lugar pasado 2:00 ng hapon. 

Sa salaysay ng isang pasahero, sa hindi malamang dahilan ay tinutukan ng ballpen ng salarin ang isang kapwa pasahero nitong babae makaraang itabi ng tsuper ang bus sa Taft Avenue.

Base naman sa bersyon ni Manila Police District (MPD) Station 5 commander P/Supt. Albert Barot, isang patalim ang hawak ng salarin na itinutok nito sa leeg ng biktima.

Aniya, higit kumulang 30 minutos lamang ang itinagal ng insidente.

Nakaresponde umano agad ang mga nakatalagang pulis Maynila sa hostage taking at nagkaroon pa umano ng negosasyon bago nagdesisyon ang mga pulis na barilin na ang salarin dahil hinihingi na ito ng pagkakataon. 

Sa ngayon ay idinala naman sa MPD Headquarters ang tsuper ng bus para hingan ng statement.-DCR

Advertisements