Makati Mayor Junjun Binay pinatalsik na ng Ombudsman sa pwesto

Junjun

Makati Mayor Junjun Binay Image courtesy of Remate

Guilty! 

Ito ang naging hatol ng Office of the Ombudsman kay suspended Makati Mayor Junjun Binay ng Office of the Ombudsman dahil sa kasong isinampa laban dito na ay may kinalaman sa maanomalyang pagpapatayo ng alkalde sa Makati City Hall Building II na nagkakahalaga ng P2.28B. 

“I ordered the dismissal of Mayor Binay for grave misconduct & dishonesty,”  pahayag ngayong hapon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Pagtanggal sa serbisyo bilang alkalde at diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno ang naging hatol ng Ombudsman laban kay Binay.

Sa pahayag pa ni Morales, nakakita sila ng napakaraming iregularidad sa pagpapatayo ng Makati City Hall Building II.

Lumalabas kasi sa mga inihaing ebidensya sa Ombudsman na overprice ang naging pagpapatayo sa gusali.

Ombudsman

Screenshot from Ombudsman Twitter

Nagsimula ang pagkaka-ungkat sa anomalya matapos itong ibunyag ni Atty. Renato Bondal noong Mayo.

Tuluyang naimbestigahan ang anomalya sa mga ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee hanggang sa makapagsampa ng kaso sa Ombudsman.

Sa akusasyon ni Bondal overprice ang gusali na itinayo sa halagang P2.2B.

Ang paratang naman ay dati ng sinagot ng ama ng alkalde na si Vice President Jejomar Binay. 

Ayon sa vice president, hindi umabot ng P2.7B ang halaga ng 11-storey building na ipinagawa ng kanyang anak sa Makati City kundi nasa P2.4B lamang.

Sa kabila nito lumalabas sa mga nakalap na dokumento na nasa P2.2B ang kabuuang halaga na ginasta ng Hilmarc’s Construction sa pagtatayo ng gusali.

Makati City Hall Building II

Data courtesy of Rappler

Bukod sa parusang dismissal from the service and perpetual disqualification to hold public office ay ipinatatanggal din ng Ombudsman ang lahat ng benepisyong dapat sana ay tatanggapin ng alkalde. 

Bagama’t maaari pang iapela ng mga Binay ang desisyon sinabi ng Ombudsman na immediately executory na ang pagpapatupad nito.DCR

Advertisements