Mayor Bistek hindi na tatakbong senador sa 2016

bautista

QC Mayor Herbert Bautista while delivering the silver jubilee state of the city address Image courtesy of Mayor Herbert Bautista Facebook Page

Hindi na tatakbong senador sa 2016 si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista. 

Sa halip na targetin ang Senado ay kakandidato na lamang muli para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde si Bautista.

“It was all decided upon that I should go for reelection. I am running for Mayor of Quezon City.”

Ito ang kinumpirma ngayong umaga ng alkalde sa programang Headstart ng ABSCBN News Channel. 

Ayon sa kanya, ginawa niya ang desisyon matapos ang pagkonsulta niya sa kanyang pamilya at sa mga opisyal ng Lungsod Quezon.

Sinabi pa ni Bautista na marami sa kanyang mga constituent sa Quezon City ang humiling na tapusin na niya ang kanyang huling termino bilang alkalde.

Una ng napaulat na kinokonsidera ng Liberal Party na isama si Bautista sa kanilang senatorial slate.

Ngayong araw sana nakatakda ang proklamasyon ng senatorial line up ng tambalan nina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo subalit iniurong na lamang ito sa darating na Lunes.-DCR

Advertisements