Duterte hindi tatakbong presidente

Duterte

Davao City Mayor Rodrigo Duterte (in stripes) Image from Rody Duterte Facebook

“The country does not need me.”

Ito ang naging pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kasabay ng pagsasabing hindi siya tatakbo bilang pangulo ng bansa sa 2016.

Ginawa ng alkalde ang pahayag kasabay ng unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy ngayong araw sa mga tanggapan ng Comission on Elections.

Sa ipinatawag nitong press conference sa Davao City sinabi ni Duterte na wala sa kanyang ambisyon ang pagka pangulo.

Nagpasalamat din ang alkalde sa lahat ng sumuporta sa kanya kasabay nito ang paghingi sa kanila ng paumanhin.

“I am sorry to disappoint those who spent much and worked hard and long in support of me as I went around the country espousing the benefits and advantages of federalism. I therefore beg for everyone’s kind understanding and acceptance of my sincerest apologies. After all, there was no ambition for me to aspire for the presidency. The country does not need me. I find no need for it. I guess it is fate that wills that our long journey together should end this way,” pahayag ng alkalde. 

Ayon kay Duterte, naniniwala siya na ang kanyang kapalaran ay matatapos sa pagsisilbi sa mga mamamayan ng Davao.

Sinabi pa nito na kung tatanggapin ng kanyang anak na si Inday Sarah Duterte ang plano para sa pagtakbo nito sa susunod na halalan ay posibleng magretiro na siya sa pulitika.

“Thus, if Inday Sara agrees to run for Mayor, I will retire at the end of my term in 2016. If she does not, the option to be Mayor again is on the table. When all is said in the wake of this decision, perhaps we can find comfort in the thought that this is indeed a beautiful day to end a wild dream. God bless the Philippines. God bless us all!” pagtatapos ng alkalde. 

Una ng napaulat na kinausap nina Sen. Bongbong Marcos at Sen. Alan Peter Cayetano si Duterte. Ang dalawa ay una ng nagproklama na tatakbo bilang pangalawang pangulo.-DCR

Advertisements