Miriam Santiago tatakbong pangulo sa 2016

Tatakbo si Sen. Miriam Defensor Santiago bilang pangulo sa darating na May 2016 election.

Ito ang inihayag ng senadora ngayong hapon sa harapan ng kanyang mga tagasuporta.

Sinabi ni Santiago na maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections anumang araw ngayong linggong ito.

Aniya, tatakbo siya sa ilalim ng People’s Reform Party na siyang partido niya noong tumakbo siya bilang pangulo noong 1992. 

“If I become president some time in the very near future, this country will be much better than it was before. Today, this country suffers from the malaise of plunder. Plunder is when you look at a person and the person looks at you [and it] feel[s] like eating each other up. It’s like cancer.”

So we will try to make this country better simply by trusting in the Lord, trusting in yourself—trusting that you yourself may lead in God’s great heaven where we know He loves,” pahayag pa ng senadora

Sinabi pa ng senadora na mayroon na rin siyang naisip na running mate subalit tumanggi muna siyang pangalanan ito.-DCR

Advertisements