Inday Sarah nagpakalbo na bilang suporta sa Duterte 2016?

“Kahit walang kwarta, kahit walang makinarya, kahit matalo”. 

Ito ang mensahe ng pinakahuling Instagram post ni Inday Sarah Duterte na anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Dahil dito ay umaani ngayon ng suporta at espekulasyon ang pinakahuling post ng batang Duterte.

Sa kanyang post ay makikitang nagpakalbo ito. 

Ang mas nakakatawag pansin ngayon sa mga netizen ay ang kapsyon sa larawan ni Inday Sarah na nagsasabing “Nagpakalbo nalang ako habang naghihintay #Duterte2016”. 

Bukod sa kanyang post sa Instagram ay nakakatawag pansin din ang isang post ni Inday Sara sa kanyang Facebook Page na  tila nagpapahiwatig sa posibleng pagdedesisyon ng kanyang ama bukas October 15.

Bago nito ay nagsagawa na ng press conference noong Lunes ang alkalde at sinabing hindi siya tatakbo para sa mas mataas na posisyon sa halalan 2016.

Binasa nito ang isang statement na may pangalan niya subalit hindi niya ito pirmado.

Ilang araw bago ang press conference ay sinabi rin ng alkalde na hintayin na lamang sa October 15 (Huwebes) kung pupunta siya sa tanggapan ng Commission on Elections para maghain ng COC. 

Ang filing ng COC ay hanggang sa Biyernes pa Oktubre 17.

Una ng sinabi ng ilang mga sumusuporta sa alkalde na kukumbinsihin pa rin nila itong maghain ng kandidatura sa kabila ng statement nito na hindi siya tatakbo sa mas mataas na pwesto. -DCR

Advertisements