Miriam-Bongbong tandem kumpirmado na

santiago-marcos

Sen. Bongbong Marcos and Sen. Miriam Santiago during their light moments in Senate Image from Bongbong Marcos Facebook

Kinumpirma na ni Sen. Miriam Defensor Santiago na si Sen. Bongbong Marcos ang kanyang running mate sa pagtakbo niya sa eleksyon 2016. 

Si Marcos ay nakapaghain na ng kanyang kandidatura bilang pangalaang pangulo habang si Santiago ay nakatakdang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang pangulo ngayong araw o hanggang bukas.

“I think we mutually chose each other. We happened to cross each other. The telephone lines happened to cross each other. It’s coincidental,” pahayag pa ni Santiago. 

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang paghahain ng senadora ng kandidatura at ang pormal na proklamasyon ng dalawa para sa kanilang tambalan.

Inianunsyo ni Santiago ang kanyang hangarin na tumakbo noong Martes kung kailan naghain din si Marcos ng kanyang COC sa Commission on Elections.

Una ng itinanggi nina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Antonio Trillanes na sila ang magiging running mate ni Santiago.

Si Santiago ay tatakbo sa ilalim ng kanyang partido na People’s Reform Party.-DCR

Advertisements