KAHIT NAKAKULONG: Reyes brothers naghain ng COC sa COMELEC

Reyes brothers

Image courtesy of PNP

Hindi hadlang ang rehas na bakal para kumandidato. 

Tila ito ang gustong patunayan ng magkapatid na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes.

Ito ay makaraang maihain sa Commission on Elections (COMELEC) sa Palawan ang certificate of candidacy (COC)  ng magkapatid kahit na sila ay nasa kulungan.

Nabatid na naihain ang COC ng dalawa sa COMELEC-Coron kahapon ng hapon sa pamamagitan ng kanilang mga legal na kinatawan.

Tatakbo bilang independent candidate sa pagka alkalde at bise alkalde ng nasabing bayan ang magkapatid batay sa impormasyong nakuha ng The Manila Journo.

Sa kasalukuyan ay nakapiit sa Puerto Princesa City Jail ang dalawa dahil sa kasong murder na kanilang hinaharap matapos masangkot sa pagpaslang sa mamamahayag na si Dr. Gerry Ortega noong January 24, 2011.

Matapos ang ilang taong pagtatago ay nai-deport noong nakaraang buwan ang magkapatid makaraang madakip ng Royal Thai Police sa Phuket, Thailand dahil sa pagiging overstaying.-DCR

Advertisements