Nueva Ecija pinalubog ng bagyong Lando

Cabiao Nueva Ecija Lando

Massive flooding in Brgy. San Vicente, Cabiao, Nueva Ecija Image courtesy of Erwin Aguilon

Pinalubog ng bagyong Lando ang maraming bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija. 

Kabilang sa mga bayan na lumubog sa baha ay ang mga bayan ng  Cabanatuan City, Palayan City, Laur, Bongabon, Gabaldon, Jaen, San Antonio, Santa Rosa, San Isidro, Peñaranda, Aliaga, Cabiao, Rizal, San Jose, at Zaragoza.

San Jose

San Jose, Nueva Ecija Image courtesy of Novo Ecijano Facebook

Hanggang sa mga sandaling isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang rescue operation na ginagawa ng Philippine Red Cross sa iba’t ibang lugar sa nasabing lalawigan.

Sa impormasyon mula sa Philippine Information Agency (PIA) Region 3 ay hindi pa rin nadaraanan ang ilang kalsada at tulay sa lalawigan dulot ng baha hanggang ngayon.

Kabilang sa mga ito ang sa Brgy. Calabasa at Bateria sections ng Tablang Gabaldon Road, at Bato Ferry Bridge.

Laur Nueva Ecija

Brgy. San Vicente, Laur, Nueva Ecija Photo from Novo Ecijano Facebook

Karamihan sa mga residente sa nabanggit na mga lugar ay inabutan ng matinding pagbaha sa kanilang mga bahay.

Dahil dito napilitan ang karamihan sa kanila na umakyat na sa mga bubungan.

RIzal

Philippine Army conducts rescue operation in Rizal, Nueva Ecija Image courtesy of Novo Ecijano Facebook

Bukod sa mga palayan at malalawak na taniman ay marami ding bahay ang nasira dahil sa pagbaha na dulot ng bagyong Lando.

Sa pinakahuling ulat mula sa  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGSA) posibleng umabot pa hanggang sa Linggo bago tuluyang umalis ng Philippine area of responsibility ang bagyong Lando.

Cabanatuan

Cabanatuan City, Nueva Ecija Image from Novo Ecijano Facebook

Nagbabala na rin ang PAGASA ng posible pang malalakas na pag-ulan ang mararansan sa Hilaga at Gitnang Luzon ngayong araw hanggang sa Miyerkules.-DCR

Advertisements