Pagkatapos sa Gitnang Luzon, Ilocos region tinatahak ngayon ng bagyong Lando

Mankayan

Members of Philippine National Police conducts clearing operation on a national highway in Mankayan, Benguet after a landslide caused by typhoon Lando Image courtesy of Mankayan MPS

Matapos manalasa sa mga lalawigan ng Aurora, Isabela, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija at iba pang lalawigan sa Gitnang Luzon ay ang Ilocos region naman ang tinatahak ngayon ng bagyong Lando.

Sa pinakahuling ulat ng hilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang pasado 5:00 ng hapon ay namataan ang bagyong Lando sa layong 45 km kanluran, timog-kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 105 kph malapit sa gitna na may pagbugsong aabot sa 135 kph.

Patuloy ang pagtahak nito sa dalampasigan ng rehiyon ng Ilocos sa bilis na 5 kph.

PAGASA

Satellite image of typhoon Lando as of 4:00 PM 19 October 2015 Image from PAGASA

Nakataas ngayon ang public storm signal number 2 sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Cagayan kasama na ang Calayan at Babuyan Islands.

Nasa ilalim naman ng public storm signal number 1 ang mga probinsya ng  La Union, Pangasinan, Ifugao, Benguet, Batanes, Isabela, Quirino, Aurora, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Zambales, Tarlac, at Pampanga.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang may dalawang metrong taas ng storm surge sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Inaasahan na bukas lalabas ng kalupaan ng bansa ang bagyo sa bahagi pa rin ng Ilocos Norte-Cagayan area.

Makakaranas naman umano ng pagbuti ng panahon ang malaking bahagi ng bansa sa Biyernes o hanggang sa Sabado.-DCR

Advertisements