Mga miyembro ng INC pinuri si Sarah G. sa pag-awit ng Felix Manalo movie theme song

Sarah

Screenshot courtesy of Net 25 and CMV Facebook Page

Si Sarah Geronimo ang napili ng Iglesia Ni Cristo na umawit ng theme song ng pelikulang Felix Manalo. 

Ang theme song na pinamagatang “Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw” ay inawit ni Sarah G. para sa nasabing pelikula.

Ang awit ay nilikha nina Joan E. Solitario at Ryan A. Solitario habang ang musical arrangement ay inayos ng batikang si Louie Ocampo.

Puri puring naman ng mga kaanib ng INC ang maayos at magandang pagkakanta ni Sarah sa naturang awit.

Maging ang mga netizen kaanib man o hindi ay napahanga sa ganda at husay ng pagkaka-awit ni Sarah sa ginawa awit ng INC.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kumuha ang INC ng mga magagaling at kilalang artista upang awitin ang mga piyesang nilikha ng kanilang relihiyon.

Noong gunitain ng Iglesia ang kanyang ika-95 anibersaryo ay kinuha rin nila si Lea Salonga upang kantahin ang ilang awit na ginawa para sa Iglesia.

Ang music video naman ay idinirehe ni Eduardo Roy Jr.

Makikita sa music video ang recording na ginawa ni Sarah G. sa awit habang nagbibigay sa kanya ng hudyat si Ocampo.

Sa kabuuan ng music video ay ipinakita rin ang ilang bahagi sa pelikulang Felix Manalo.

Ang pelikula ay tungkol sa naging buhay ng kinikilalang Sugo ng Diyos sa mga huling araw at nagtatag ng INC at naging unang tagapamahalang pangkalahatan nito na si Ka Felix Ysagun Manalo. -DCR

Advertisements