Chinese Pres. Xi Jinping dumating na sa Maynila para sa #APEC2015

Xi2

Philippines Finance Sec. Cesar Purisima welcomes Chinese Pres. Xi Jinping as he arrives in Manila to attend APEC 2015 Economic Leader’s Conference 

Dumating na ngayong araw si Chinese President Xi Jinping para sa nakatakda nitong pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leader’s Conference mula Nobyembre 18-19 dito sa Maynila.

Pasado 12:00 ng tanghali ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplano ng Air China lulan si Xi.

Ang Pangulo ng China ay  sinalubong nina Finance Sec. Cesar Purisima, Hong Kong Chief Executive CY Leung at Chinese ambassador to Manila Zhao Jianhua.

Xi3

Sa kanyang pagpunta dito sa bansa ay inaasahan din na magsasagawa si Xi ng mga serye ng bilateral meeting kasama ang iba pang member economies ng APEC.

Kabilang sa mga makakausap ni Xi para sa bilateral talk ay ang mga lider mula sa mga bansang  Malaysia, New Zealand, Colombia at Hong Kong.

Inaasahan naman na magkakausap sina Xi at Pangulong Benigno Aquino III. 

Si Xi ang huling lider na nagkumpirma ng kanyang pagdalo sa APEC Summit. 

Naganap ang pagpunta sa bansa ng Chinese leader sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas tungkol sa usapin nang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.-DCR

Advertisements