14 OFW patay sa banggaan ng sasakyan sa Saudi

saudi2

Image courtesy of www.telegraph.co.uk

Patay ang hindi bababa sa 14 na Pilipino matapos ang isang malagim na aksidente sa Hofuf, Al-Hassa, Saudi Arabia kahapon. 

Sa kumpirmasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) sinabi nitong nakausap na ng embahada ng bansa sa Riyadh ang kumpanyang pinapasukan ng mga namatay na overseas Filipino worker (OFW). 

“Our embassy in Riyadh was able to contact the HR of the company and the unofficial report they got was that a number of Filipino workers rode a coaster last night from work site to accommodation and got into a traffic accident,” pahayag ni DFA Spokesman Asec. Charles Jose. 

Bukod sa mga namatay na Pinoy ay sinasabing sugatan sa aksidente ang 13 Pilipino at isang Pakistani na siyang tsuper ng naaksidenteng van.

Base sa mga paunang ulat, naaksidente umano ang van na sinasakyan ng mga Pilipino patungo sa kanilang mga tinutuluyan makaraan itong bumangga sa isang truck.

Pawang nagtatrabaho sa  Kentz ang mga naaksidenteng Pinoy na karamihan ay engineer at electrician.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa embahada ng bansa sa Riyadh upang makakalap pa ng mas kumpletong impormasyon.-DCR

Advertisements