Arbitration case ng Pinas suportado: Reclamation activity sa West PH Sea dapat itigil ng China- Obama

PNoy 6

Philippine Pres. Aquino and US Pres. Obama had a bilateral talks on the sideline of APEC 2015 in Manila         Image courtesy of Official Gazette 

Dapat nang itigil ng China ang ginagawa nitong reclamation activity sa West Philippine Sea. 

Ito ang sinabi ngayong araw ni United States President Barack Obama matapos ang bilateral meeting na ginawa nito kasama si Pangulong Benigno Aquino III.

“We discussed the impact of China’s reclamation and construction activities on regional stability. We agreed on the need for bold steps to lower tensions including pledging to halt further reclamation, new construction, and militarization of disputed areas in the South China Sea,” pahayag ni Obama.

Obama4

US Pres. Obama during his visit on BRP Gregorio Del Pilar in Manila Harbor    Image courtesy of The White House 

Kasunod nito sinabi rin nito na suportado ng Amerika ang ginagawang pagdulog ng Pilipinas sa International Tribunal upang maresolba ang hidwaan nito laban sa China kaugnay ng mga pinag-aagawang isla. 

“As President Aquino indicated, disputes need to be resolved peacefully, that’s why the United States support the Philippines’s decision to use arbitration under the UN Convention on the Law of the Sea to peacefully and lawfully address differences,” pahayag pa ni Obama.

Naganap ang panawagan at pagbibigay ng suporta ng US sa Pilipinas kahit na nasa bansa din si Chinese President Xi Jinping.

Obama5

US Pres. Obama greets Filipino navy personnel during his visit in BRP Gregorio Del Pilar                  Image courtesy of The White House 

Nasa Maynila ngayon ang 21 pinuno ng mga bansa upang dumalo sa pulong ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

Kahapon sa kanyang pagbisita sa BRP Gregorio Del Pilar ay una ng sinabi ni Obama na magbibigay ang Amerika ng dalawa pang barkong pandigma sa bansa. Ito ay bukod pa sa ipinangakong ayuda ni Obama para mapalakas lalo ang depensa ng bansa.-DCR

Advertisements