Huling araw ng #APEC2015 dinagsa ng protesta, dispersal naging marahas

Rally1

Photo by Hector Calma

Dinagsa ng kilos protesta ang huling araw nang pagdaraos dito sa bansa ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit kahapon.

Tinatayang aabot sa 2,000 hanggang 3,000 katao ang sumama sa malakihang protesta na ikinasa kahapon kontra APEC. 

Nagsanib pwersa ang mga militanteng grupo tulad ng Gabriela, Katribu, Anakpawis, Anakbayan, Pamalakaya, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Kilusang Mayo Una at  Kabataan Party-list upang ipakita sa gobyerno at sa iba pang delegado ng APEC ang mariin nilang pagtutol para dito.

rally2

Image courtesy of Tudla Productions

 

 

rally3

Photo by Hector Calma

Kahit na matindi ang sikat ng araw at mahabang martsa at lakaran ay sinikap ng mga raliyista na irehistro ang kanilang panawagan kontra APEC.

Sa kabila nito ay naging marahas naman ang rally makaraang silang harangin ng malaking pwersa mula sa Philippine National Police (PNP). 

Bukod sa US Embassy sa Roxas Blvd. ay target sana ng mga raliyista na makalapit sa venue ng APEC sa Pasay City.

Sa bahagi pa lamang ng Buendia ay hinarang na sila ng mga anti riot police na armado ng yantok at shield.

Ilang beses tinangka ng mga raliyista na lagpasan ang hanay ng kapulisan subalit sa huli ay water cannon at kaliwa’ t kanang palo ang isinagot sa kanilang ng mga awtoridad.

Hindi bababa sa 20 katao ang nasaktan dahil sa marahas na dispersal sa panig ng mga raliyista habang lima namang pulis ang idinala sa ospital dahil sa mga pasa at galos.

rally4

Image by Hector Calma

rally7

Image by Hector Calma

rally8

Image by Hector Calma

Kasabay ng protesta ay nagsunog din ng isang malaking effigy ng agila ang mga raliyista na simbolo ng patuloy na impluwensya ng Amerika sa bansa.

Sa pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) wala umanong maidudulot na pakinabang sa Pilipinas ang ginanap na APEC sa bansa at sa halip ang makikinabang lamang umano rito ay ang mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos.

“The APEC in Manila is an expensive and burdensome going away party for President Benigno Aquino III. It is his last chance to show off the alleged gains of his regime. The Filipino people detest the way they have been turned into second class citizens in their own country just so Aquino could pander to the big powers and the foreign investors,” pahayag pa ni Bayan Secretary General Renato Reyes.

Matapos ang dispersal ay ipinagpatuloy na lamang ng mga raliyista sa kahabaan ng Buendia ang kanilang programa. Malalaking sound system naman ang ipinantapat dito ng PNP kasabay nang pagpapatugtog  ng mga kanta ni Katy Perry upang hindi marinig ang protesta ng mga militante.

Mariin ding binatikos ng mga nagkilos protesta ang anila’y overkill at sobrang paggamit ng pwersa ng pamahalaan kasabay ng pagdaraos ng APEC sa bansa.

“We condemn the use of truncheons, water cannons against thousands of protesters who merely wanted to speak out against APEC and the policies that affect them. We condemn the continuing threats of arrest and deportation against foreign activists expressing solidarity with the Filipino people. We condemn the blockades against protesters from the provinces who were set to join the anti-APEC protests in Manila,” pahayag pa ng grupong Bayan.

Ngayong araw ay tinangka ulit ng Bayan Souther Tagalog na makalapit sa US Embassy subalit agad din silang hinarang ng PNP.-DCR

Advertisements