Russian fighter jet pinabagsak ng Turkey

Russian jet

The Russian SU-24 fighter jet downed by Turkish military near Syria-Turkey border   Image from dailymail. co.uk  

Pinabagsak ng Turkish armed forces ang isang Russian jet fighter ngayong araw malapit sa Syria-Turkey border.

Kinumpirma na ng Russia na isang Sukhoi Su-24 fighter jet nito ang bumagsak dahil sa artillery fire mula sa Turkish forces.

Ayon naman sa Turkey ang kanilang F16 fighter jet ang nagpabagsak sa eroplanong pandigma ng Russia matapos itong ilegal na pumasok sa kanilang airspace. 

Giit ng Turkey, ilang beses na binigyang babala ang mga pilotong Ruso bago pinabagsak ang eroplano ng mga ito.

“Two F-16 planes on aerial patrol duty in the area intervened against the plane in question in accordance with the rules of engagement at 09.24 a.m.” 

“On Nov. 24, 2015 at around 09.20 a.m, a plane whose nationality is not known violated the Turkish airspace despite several warnings (10 times within five minutes) in the area of Yayladagi, Hatary,” bahagi pa ng pahayag ng Turkish military. 

Ayon sa Russia, nakapag-parachute mula sa kanilang eroplano ang mga Russian pilot subalit wala pa rin silang contact sa mga ito hanggang ngayon.

Mariin ding itinanggi ng Moscow na pumasok sila sa airspace ng Turkey at sinabing ang pinabagsak na warplane ay may lehitimong military operation sa Syria.

Nalaman na ni Turkish President Tayyip Erdogan wat ipinag-utos na rin ni Prime Minister Ahmet Davutoglu na konsultahin ang United Nations at North Atlantic Treaty Organization (NATO) hinggil sa pangyayari. -DCR

 

Advertisements