2015 Civil Engineer Licensure Examination results

Top 10

Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang listahan ng mga pumasa sa katatapos lamang na 2015 Civil Engineer Licensure Examination.

Ginawa ang pagsusulit noong Nobyembre 18 at 19 sa Maynila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena at Tacloban.

Aabot sa 3,935  mula sa kabuuang 9,482 ang pumasa sa pagsusulit.

Nanguna si Armand Henzkel Bangolan Canoy ng Cebu Institute of Technology sa mga nakakuha ng pinakamatataas na marka kung saan nakapagtala ito ng 94.80%.

Ang University of the Philippines – Los Baños naman ang nanguna sa top performing school kung saan 57 mula sa kabuuang 59 examinees nila ang pumasa o nasa 96.61%.-DCR

PARA MAKITA ANG KABUUANG RESULTA I-CLICK ANG LINK: 
Roll of Successful Examinees CIVIL ENGINEERING EXAM 2015

Advertisements