AFTER 10 YEARS: Mga bagong fighter jet makukuha na ng Philippine Air Force

IMage 1

The two brand new FA-50PH supersonic jets of Philippine Air Force Image from Korea Aero Space Industries 

Oras na lang ang binibilang bago pormal na makuha ng Philippine Air Force ang unang dalawang  FA-50PH fighter jet na binili ng bansa mula sa South Korea. 

Sa paunang impormasyon na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nakatakdang dumating ngayong araw ang dalawang bagong supersonic jet na para sa Philippine Air Force (PAF). 

Sa kabila nito ay binawi ng AFP ang pahayag at sinabing nakansela ang nakatakdang pagdating sa Clark Air Base sa Pampanga ng mga bagong asset ng PAF dahil sa masamang panahon sa SoKor.

Sa official Facebook Page ng PAF sinabi nitong bukas darating ang mga bagong jet mula sa SoKor. 

Sa kabila nito sa isang post mula sa Facebook Page ng Korea  Aerospace Industries (KAI) sinabi nilang naka takeoff na kaninang umaga mula sa  Sacheon ang dalawang FA-50 fighter jet.

Image3

Screenshot from KAI Facebook Page

Aabot lamang ng apat na oras ang flight ng nasabing mga eroplano mula SoKor patungo sa bansa.

Ang nasabing mga fighter ay pauna lamang mula sa kabuuang 12 binili ng bansa.

Aabot na sa 10 taon simula ng pinagretiro ng PAF ang kahuli-hulihan nitong F5 supersonic jet na mula naman sa Estados Unidos.

Aabot sa P18.9 bilyon ang ginasta ng gobyerno para sa pagbili nang nasabing mga eroplanong pandigma.

Pagkadating sa bansa ay sasailalim muna sa ilang pagsusuri at acceptance flight check ang mga eroplano bago tuluyang magamit ng PAF.

Ang pagbili sa mga makabagong eroplano na ito ay bahagi ng AFP Modernization Program at nagaganap sa gitna ng tensyon dahil sa agawan ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.-DCR

Advertisements